Miyerkules, Abril 4, 2012

PAGBALIK NG DALAWANG TAUHAN

Pagbalik ng dalawang tauhan

Isang umaga sinabi ni father Fasy sa mga nobisyo nakarating sa atin ang isang komunikasyon ni Brother arbisu. Sabi niya : gawin ninyo ang lahat ng magagawa ninyo para sa ating mga sundalong nabihag sa Capaz tarlac.. Ganyan talaga ang ugali ni Brother Arbisu siya ay abalang-abala ukol sa iba at hindi iniisip ang kanyang sarili, nung binabalita sa amin ni Father fasy ang ukol kay brother Arbisu hindi niya sinasabi kung papanong nakarating sa amin ang kanyang komunikasyon. nalaman ko lamang ito pagkatapos ng maraming taon batay sa sinabi sa akin ni Father Gaa na kapwa secundi ko noon.

Ganito ang nangyari sinabi ni father facy kay father gaa meron tayong gagawin na medyo mapanganib. naglakad sila tungo sa kalye isaac peral pagdating nila sa isang bahagi ng kalsadang ito naglakad lakad sila na parang mga turistang tatanga tanga, hanggat napansin nila sa isang bintana na may club ng mga officiales na hapon at may isang bihag na kalbo at nagsisilbi sa kanila, yung kalbo ay si brother Arbisu kayat marahan  sila nagpatuloy maglakad napansin nila na si brother arbisu ay lumalapit sa bintana at may hinagis na bato na nakabalot sa papel pinulot nila ang bato at naglakad na walang paglingon lingon, sa isang lihin na lugar binasa nila ang nakasulat sa papel.at ganun namin natanggap ang komunikasyon ni brother arbisu.

Isang umaga noong september 19, 1942 malakas ang bulong-bulungan na nakabalik na daw si father canaly.. noong nagbigay ng kumpernesya si father fasy isa sa sinabi niya ay: kagabi may dumating na bisita na kilala nating lahat si father canaly ay nakarating galing palawan, magpapahinga sya ilang araw at itutuloy niya ang kanyang tungkuling bilang guro ng nobisyo.. noong nakapagpahinga na si father canaly bumalik sya sa kanyang dating trabaho at inistorya niya kung anong nangyari.

Noong sumiklab na ang giyera nakatanggap sya ng utos mula kay father hurley: bumalik ka sa maynila sa lalong madaling panahon natanaw ni father kennaly mula sa kanyang kwarto  sa cullion ang kaisa-isang barko, fortuna na makakapagdala sa kanya sa Luzon. Pero biglang may sumulpot na eroplano at inikot ang barko at nagpalagpak ng bomba at nalubog ang fortuna, kaya't kailangan niyang  magisip ng paraan kung paano sya makakarating ng maynila may isang pangkat ng mga tao na may planong pumaroon sa maynila na nakasakay sa isang paraw kaya nakisama siya sa kanila itoy isang maliit na barko nagkaroon ng isang mabagsik na unos at lahat ng mga tao sa paraw ay natatakot at makakarinig ka raw ng mga dasal at awit sa maraming wika pero nakarating silang ligtas sa batangas, si fr.kennaly ay nagpahinga sandali nakaupo sa silya sa daungan nakasuot pantalon at barong cockey pero ang kaniyang mukha ay amerikanong amerikano may dumaan na sundalong hapon at nagtataka siya kung huhulihin siya pero nilampasan nila siya na parang hindi siya nakita pagkatapos nakakuha siya ng lugar sa isang bus na pumunta sa maynila at sa wakas nakarating siya sa ateneo sa padre faura sa maynila.

Noong November 5, 1942 ang mga nagtatrabaho sa ikalawang lamesa sa refectoryo ng nobisyado may nakitang isang bagong kandidato para sa nobisyado na kasama ng isang anghel itong bagong kandidato isang pinakahihintay na kandidato ito ay si teddy arbisu...mamaya-maya ay nagkaroon kami ng isang masigabong reunion ito ang kanyang pangalawang pagpasok sa kapisanan ni hesus, ang nauna ay naganap noong hunyo 1941.

Ang dami naming mga tanong

Noong ikaw ay nasa Bataan nakapatay ka ba ng tao? hindi pero nung minsan meron akong centri duty at kinailangan kong sitahin sa isang ingay na nanggagaling sa isang maliit na gubat, walang sumagot kaya nagpapaputok ako, kinabukasan nakita kong nakapatay ako ng kalabaw. at patuloy ang aming pagka nobisyo sa panahon ng digmaan.

2 komento:

  1. padre roque,

    maraming maraming salamat po sa lahat ng mga kwentong ito. napakalaking bagay na maisalaysay ang lahat. ipamamalita ko po sa iba ang tungkol sa inyong blogspot -- lalo na sa mga nakababatang mga heswita. at tulad ng nasabi ko na po sa inyo, kung may panahong kayong ikwento pati na ang ibang mga bagay, pagkatapos ng giyera, maganda rin po sana. pero sa ngayon, masaya ako na mabasa ang lahat ng ito. pagpalain nawa kayo ng ating poong maykapal.

    jojo magadia sj

    TumugonBurahin
  2. Father Roque,

    Salamat po sa pagbahagi ng inyong mga kwento! Sa loob ng dalawang gabi ay binasa ko po ang mga ito bago ako matulog. Napakaganda! Katulad po ni Father Magadia, hihilingin ko po sana na ilathala nyo po rito ang iba nyo pang karanasan. Magagalak akong basahin ang mga iyon!

    Pangarap ko po kayong maging guro balang araw, ngunit matagal pa siguro iyon o baka hindi ko na matupad. Pero sa ngayon ay masaya at nagpapasalamat po ako na nabasa ko ang ilan sa inyong mga kwento. :)

    Nawa'y nasa mabuti po kayong kalagayan at pagpalain po kayo lagi ng Diyos. :)

    TumugonBurahin