Marahil inaakala namin sa pagbalik ni father Mulry magkakaroon kami ng kaonting katahimikan sa aming buhay estudyante. Pero ang naranasan namin ay na ang mga guro namin ay palipat lipat. Pero namnamin muna natin ang huli naming pakikisama kay father Mulry.
Pinaliliwanag niya at pinakikikita ang istraktura ng latin ni Cicero kung papaanong ang paghahanay ng mga kataga ay paghahanay ng mga kaisipan at kung papaano ang malinaw na salita ay magaganap lamang ng malinaw na pagiisip. Kasiya-siya noong pinakita niya sa amin na tuwing gumagamit ang ingles ng pangngalan(noun), gumagamit ang latin ng pandiwa(verb).
At isang hapon, binuksan niya ang isang libro at binasa niya, "Jon Anderson m'JO Jon". Isang tula na ang paksa ay mag-asawang tumanda sa isang buhay na palaging tapat sa isa't isa, sa isang bansa na hindi namin kilala. Pero sa kanyang paglalahad, nakikita namin na kay ganda na isang babae at isang lalaki ay tapat sa isa't isa. Noong bata sila, magkasamang umaakyat sila sa matataas na bundok. at ngayon na matanda na sila, kontento sila na "We'll lie thegither at the foot "Jon Anderson m'JO".
Ibang hapon naman nagsimula siya,
"There is a barrel organ, caroling in the street of the City, as the sun sinks low. And though the music's not immortal, yet the world has made it sweet. And fulfill it with the sunset glow".Ito ay ukol sa buhay ng mga tao sa London. Hindi namin kilala sila. At ang kanilang uri ng pamumuhay ay dayuhan sa amin. Pero kaya naming maranasan na talagang may lugar na london at talagang may mga taong nakitira doon. At kahit na ang tula ay isinulat bago magkagiyera alam namin na habang naririnig namin ang tula, ang mga taong iyon ay nagtitiis din ng giyera. At kaagad nakikiramdam kami. At pagdating ng tula sa saknong na
"They are packed and jammed in buses. And they're each of them alone ".Kaagad naintindihan namin na marami ang mga tao sa isang bus at ang bawat isa ay gumagalaw sa isang daigdig na siya lamang ang nakakaalam at kaya nga ang mga nakikinig sa musika ng barrel organ ay itinatangay ng musika sa kanyang malungkot na daigdig ng mga ala-ala ng lumipas. At kaagad naiintindihan namin na sila ay mga taong kagaya natin at sabay mga taong hindi kagaya natin.
" Calm down to Kew in lilac time.... And we shall wander hand and hand
with love in summer's wonderland".
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento