Lunes, Mayo 21, 2012

TATLONG PANGYAYARI

Ang unang pangyayari ay ukol sa nakita ng ilang mga juniors na nagbisita sa mga iskolastik na nag-aaral ng pilosopiya, sa mga bunggalo sa ateneo, sa padre faura. Ang nakita ng mga juniors, mula sa malayo, ay mga sundalo na may dalang mga pala. Nagkukwentuhan sila at nagtatawanan. Tinanong ng mga juniors sa mga pilosopo kung ano ang ginagawa ng mga sundalo, na may dalang mga pala. Sinabi ng mga iskolastik, na pilosopo, na nakita nila na meron silang ginawa, sa sagingan, na nakatanim sa dulo ng south parade. Maaga sa araw na iyon, pumunta sila sa sagingan na may hinihilang tatlong pilipino. Nakagapos ang kanilang mga kamay, at tinali sila sa mga punong saging. Pagkatapos, dumating ang ilang mga sundalo na parang mga bata pa lamang. Ang mga matatandang sundalo mayroong ituturo sa kanila. Bibigyan sila ng praktis sa pagpatay ng tao sa pamamagitan ng bayoneta. Noong napatay na ang mga tao unti-unting umalis ang mga sundalo at naiwan lamang ang ilan upang ilibing ang mga patay at ang huling naiwan sa mga naglibing sa mga patay ay siyang nakita namin na may dalang mga pala.

Ang ikalawang pangyayari ay ukol sa isang heswitang amerikano na hindi pumunta sa Los Banos sapagkat siya ay nasa listahan ng mga sick prisoners of war. Siya ay si Edward McGinty. Nasa Doctors Hospital siya. Noong panahong iyon, ito ay pangalan ng isang maliit na hospital sa malate.Binisita namin siya ilang araw matapos ang araw ng pasko ng 1944. Hindi namin alam kung ano ang kanyang sakit. Pinagbigay alam lamang sa amin na ito ay malubha. Pumasok kami sa kanyang kuwarto. Nakaupo siya sa isang silya at nakangiti siya at masaya siya. Lumabas sa aming usapan na alam niyang malubha ang kanyang sakit pero masaya pa rin siya. Naisipan namin, na dito may isang kapwa heswita na maligayang humaharap sa kamatayan. Sa ibabaw ng kanyang la mesa, may isang maliit na lata ng instant coffee galing kay brother Jaime Neri. Si brother ay may kontak sa mga submarinong amerikano. Natutuwa si Ed na magkaroon ng isang bagay na galing sa kanyang bayan. Pero mas nakatutuwa sa kanya na istoryahin samin na nakabangon siya noong araw ng pasko. Naayos niya ang altar at siya ang nagsilbi sa misa. Hindi ko maalala lahat ng aming pinagusapan pero naaalala ko na masaya ang aming pakikitagpo. Kaya't noong nakalipas ang ilang araw noong nagising ako sa araw ng bagong taon, ang unang sumulpot sa aking isip ay "ipinagkaloob ng diyos na mabuo ni Edward ang taong 1944". Pero ilang araw pagkatapos nito, pinauwi siya ng diyos sa maligayang uwian. Maikli ang pagburol sa kanya sa chapel na nasa Ateneo Auditorium. Kahit na mga araw na may air raid noon, maraming mga heswita ang naglibing sa kanya sa la loma catholic cemetery. Noong ipapasaok pa lang ang kabaong sa kanyang nitso, biglang lumipad sa ibabaw ng sementeryo ang isang pulutong ng mga B24. Sa bughaw na langit na malinis dahil sa pagihip ng hanging amihan ang mga eroplano ay kulay pilak at parang sinasaludo nila si brother McGinty. Noong natapos na ang giyera, inilipat na ang kanyang mga buto sa sementeryo ng sacred heart novitiate. 

Ang ikatlong pangyayari ay ukol sa isang tradisyon ng Juniorate sa mga Heswita sa Pilipinas. Ito ay: magbibigay ang isang Junior ng Sermon sa refrectory sa wikang griyego sa piyesta ni San Juan Crisostomo. Noong panahong yaon ang piyesta ni San Juan crisostomo ay pinagdiriwang sa January 27. Noong 1944 ang nagbigay ng sermon ay si brother Godofredo Alingal. Sa kanyang pagmumuni muni ang buod ng kabanalan ni juan Crisostomo ay ang kanyang pagsunod sa Espiritwalidad ni San Pablo: to sumpaphein: sa ngalan ni Kristo nakikiramdam siya sa kanyang kapwa tao. "sino ang  nagdadalamhati at hindi ako lumiliyab?" "tis skandezetai kai ouk ego porioumai;" Madalas kaming magbasa ng griyego ni brother Alingal. Kaya't habang sinusulat niya ang kanyang sermon, pinapakita niya sa akin ang kanyang ginagawa at pinaliliwanag ang Espiritualidad ni San Juan Crisostomo; at ilan sa mga gusot sa gramatika ng wikang griyego. Sumapit na ang enero ng 1945 at nahulog sa akin ang trabaho sa sermon. Ang itinuring ko na ang sentro ng kabanalan ni San Juan Crisostomo ay ang pagsunod kay Kristo na mabuting pastol. Hindi ito isang pag salungat sa sinabi ni brother Alingal pero isang pagbukas sa isa pang aspekto ng isang mayamang katotohanan. Natuwa ako na meron akong pagkakataon upang gawin na umugong ang refrectory sa mga kataga ng mga sinaunang griyego. At palibhasa ay buwan ng enero, at ang hapunan na nagsisimula sa alas siyete, madilim na noong ako ay nagsasalita. At mula sa mga maitim na ulap ng hilaga nakikita mo ang kislap ng mga kanyon ng mga amerikano. Nakayapak na sila sa lupa sa lingayen at ngayon nasa Luzon na sila palapit ng palapit sa maynila. At natutuwa ako na nakakasalita ako ng griyego habang nangyayari ang lahat ng ito.

At nagpapasalamat ako kay Father Godofredo Alingal na nagturo sa akin ng latin at griyego mula sa nubisyado hanggang sa Juniorate. Kaya't noong nagsulat ako ng isang libro ukol sa mga sinaunang griyego, ito ay inihandog ko sa kanya sa kanyang sariling wika. 
    

                       "sa sinugdan sa atong kinabuhing heswita                        pila ka oras nga nagistoryahay kita ug nagtinabangay                        samtang mangita kitag kinaadman sa mga karaang griyego! bunga niadtong panahona kining libroha mao kini ihalad ko kanim mapaubsanong gasa handumanan sa milabay"..








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento