Miyerkules, Mayo 9, 2012

RUE SAINT JACQUES




Noong umalis kami sa kalye padre Faura dinala namin ang lahat ng mga libro namin at iba pang kasangkapan sapagkat ayaw namin iwan yun sa mga hapon at akala namin magagamit namin.. Pero meron kaming natuklasan sa mga kasangkapan na magbibigay ng gulo sa amin. nung ginagamit ng Ateneo ang mga building, may mga tunay na baril at bayoneta ng ROTC. Marahil dinala ng mga estudyante na pumunta sa Bataan ang mga baril pero iniwan nila ang mga bayoneta kaya nabitin kami kinailangan naming dalhin ang mga bayoneta sa Sta. Ana.

Kaya ang isa sa amin ay nagsulat ng isang nota sa heswitang liaison sa mga hapon.. Sabi ng nota, "ano ang gagawin namin sa mga bayoneta?" nilagay ng heswita yung nota sa bulsa ng kanyang sotana at nalimutan niya na inilagay niya doon. ngayon, meron syang lakad sa Fort Santiago.. Ang mga hapon sa Fort Santiago ay kinakapa ang mga bulsa ng sinumang pumapasok doon. kaya nalaman nila na may mga bayoneta ang mga heswita sa Sta. Ana.

Isang araw isang pulutong ng mga hapon ay nilooban kami. hinalughog ang bawat kwarto at pinababa sa parlor ang bawat heswita na naroroon,  lahat kami ay pinatayo sa parlor at kanilang masusing kinapa ang bawat isa. 

At sinabi sa amin : "sasaliksikin namin ang bawat aparador, kahon o ano mang mapagtataguan ninyo ng ano man. Kung may nakakandado, sisirain namin, at sasaliksikin kung ano ang nasa loob."


Habang nangyayari ito may isang junior, si Fr. Miguel Varela, na katatapos lamang gamitin ang palingkuran. lumabas siya at tumungo sa dormitoryo upang magbihis pero anong gulat niya nung nakita niya ang isang hapon na may hawak na bayoneta at hinaharang siya. pero hindi siya nagpakita ng takot sinabi niya, "kailangan kong magbihis." hindi niya alam kung naintindihan siya ng hapon pero gumawa ang hapon ng mga ingay na pantakot. pero si Bro. Mike ay patuloy na sinabi na kailangan niyang pumunta sa dormitoryo para magbihis. sa wakas pinayagan siya ng hapon na pumunta sa kanyang pupuntahan. ngunit sinagi ng bayoneta ng hapon ang kanyang bath robe. 


Mamaya, kung kinukwento niya ang pangyayaring ito, parati naming tinatanong kung sinugatan siya ng hapon. ang paulit ulit niyang sinasagot ay, "sinagi ng kanyang bayoneta ang aking bath robe... lamang." at naging marka ni Bro. ang mga katagang "ang aking bath robe....lamang."


Ang unang nahanapan ng mga hapon ay isang brother na inamin sa kanila na kinuha niya ang mga bayoneta at inihagis sa ilog Pasig. Sabi sa kanya ng Chief ng mga hapon : "sumisid ka at kunin mo ang mga bayoneta." sabi ng brother, "matanda na ako hindi nyo ako mapipilit na sumisid sa ilog." May dalawang batang brother, si brother Cypriano Unson at brother Federico Escaler, na tumayo at sinabi sa chief na sila ang sisisid. kaya naghubad sila at sumisid sa ilog. umahon sila at inulat nila na wala silang nahanapan na bayoneta. 


Kami naman na nasa parlor ay kinakapkapan at may isang brother na may mga nota sa kanyang bulsa ukol sa kanyang buhay espiritual.  pinabasa ito sa kanya ng hapon.


Meron silang natuklasan sa mga kwarto ng mga heswita na naging sanhi ng pagkapigil ng pito sa kanila sa Fort Santiago. Si father Mulry ay isa sa kanila.  


Kung pinaguusapan namin ang mga nangyari, kailangan na magingat kami kahit na kami ay nasa kami- kami lamang.


may mga kwento na may mga naglalakad sa kalsada na biglang pinahinto at hiniwalay sa isa't isa. at itinanong daw sa  isa't isa, sa hiwalay na pagtatanong, kung ano ang pinaguusapan nila. Kaya kung nagkukuwentuhan kami ukol sa maseselang bagay, nagiimbento kami ng mga terminolohiya. Ang ibig sabihin ng "ang ating mga kaibigan",  ay "ang mga hapon". At ang ibig sabihin ng "rue saint jacques" ay "fort santiago".


Sabi ni father Mulry na pangkat-pangkat ang mga bihag na nakapiit sa ibat-ibang silid kulungan sa fort santiago. Mga apat at kalahating metro ang haba at tatlo at kalahating metro kalawak ang isang bawat silid. yari sa kahoy , may isang bumbilya sa kisame na nakasindi  araw at gabi.. Ang pagkain nila ay lugaw. Upang makatugon sila sa tawag ng kalikasan may isang timba na nasa sulok. Maghapon silang lahat ay nakatalungko at nakasandal sa dingding sa paligid ng silid, sa gabi namay nakahiga silang lahat na nagsisiksikan na parang sardinas.. Kung minsan may bagong bihag na dumarating sa hatinggabi , hinahagis na lamang ito sa silid at lumalagapak ang kanyang katawan sa katawan ng mga nakahiga. Ganyan ang buhay ng bihag, maliban lamang sa mga pagkakataon na tinatawag upang humarap sa mga nag-iimbestiga. Isang gabi, ang bihag na itinapon ay isang Iskolastik na ang pangalan ay Horacio Dela Costa.


Si father Mulry ay naging teacher ni Horacio dela Costa. Ayon sa kanya hindi matiis ni Horacio ang maghapong nakatalungko.. maigting ang kanyang nerbyos. may pasilyo sa labas ng mga silid.. 


Bawal sa mga bihag na pumunta sa pasilyo. pero punta pa din si Horacio, paroo't parito, pabalik-balik ang lakad. Sa simula ay hindi siya nahuli ng guwardiya ngunit sa wakas ay nahuli rin sya. Narinig nila Fr. Mulry na tinulak si Horacio tungo sa bintana sa dulo ng pasilyo.. Narinig nilang hinahampas-hampas sya ng kahoy ng baril . Pagkatapos kinaladkad siyat patulak na inihagis sa kanyang silid. Pasa-pasa ang kanyang mukha . wika ni Fr. Mulry: " hindi umumik ang bata. ni isang salita. ".


Araw araw may bilanggo na trabaho na palitan ang timba na pinaka palikuran nila.
Isang araw napansin ni father mulry na ang nagpalit sa timba ay isang iskolastik si bro. Jaime  Neri. Sabi ni bro. , " confession father ." binigyan sya agad ni father mulry ng absolution.


Binihag nila si father Mulry sapagkat sakanyang kuwarto meron silang nahanapan na mga potograpiya ng mga sirang gusali sa Tokyo. at tinanong sa kanya kung nagbibigay sya ng mga ulat ukol sa pagbobomba ng mga amerikano sa tokyo. ngayon nung panahong yun hindi pa nakakaabot ang mga eruplanong amerikano sa Tokyo. kaya tinanong ni Father Mulry binobomba na ba ng mga amerikano ang Tokyo? .Hindi nila pinansin ang kanyang tanong at lumipat sila sa ibang paksa. 


Sabi ni father Mulry yan ay mga potograpiya ng lindol sa Tokyo noong 1922. ginamit yan upang magbigay ng ulat  ukol sa lindol sa tokyo at upang humingi ng mga kontribusyon bilang tulong sa mga napinsala sa lindol. ang isa sa mga nageeksamin kay father mulry ay nagtatrabaho sa isang studio ng potograpiya sa tokyo at sinabi niya, "totoo ang sinasabi ni father mulry. nagtatrabaho ako 
sa isang studio ng potograpiya at nakikilala ko ang mga litratong iyan, yan ay tunay na kinuha noong naganap ang lindol noong 1922. at bumaling siya kay father mulry at sinabi niya, "nagpapasalamat kami sa mga amerikano na nagbigay ng malaking tulong sa mga hapon na napinsala noong 1922." 


Noong tinanong namin kay father mulry : "ano ang ginagawa mo sa mahabang panahon na hindi ka makagalaw sa iyong kinapipiitan?" sabi niya: "ginaganap ko ang ispirituwal na pagsasanay ni San Ignasyo. Kung nagigipit ka sa buhay kailangan na bumalik ka sa batayan ng iyong buhay esperitwal."


Meron isang bihag na hapon na kaibigan ng mga pilipino. marunong syang magbigay ng masahe at pag oras ng pagtulog binibigyan niya ako ng masahe at isang malaking tulong sa aking katawan."


Nagkataon na isang linggo pagkatapos ng pagsusulit sa kanya napunta yung nagtatrabaho sa studyo ng mga potograpiya sa Fort Santiago .at nakita niya si father Mulry sabi niya kay father mulry: "bakit nila hindi pinahintulot na makalaya?" nagalit sya at hindi nila sinundan ang kanyang inutos... kaya pagkatapos ng ilang oras may boses na nagsabi : "father mulry, father mulry, father mulry." alam niya na ito ay panawagan sa kanya at sasabihin sa kanya na maaari na syang makalaya. pero nagaalinlangan sya. ayaw niyang iwanan si horacio sa piitan. pero banayad na sinabi sa kanya ni horacio : "umuwi ka na, tinatawag na nila ikaw." kaya tumayo si father mulry at may hapon na palaging yumuyuko sa kanya na sinauli ang kanyang sutana, yumuko din sya pero anya tinatawag ko sya sa ibat-ibang uri ng ngalang griyego.. lumabas sya sa tabi ng lawa ng maynila. lumanghap sya ng hangin na galing sa dagat. pumunta sya sa jesuit mission house na nasa Intramuros. kung ilang linggo sya na hindi nalililgo ni nagaahit ng balbas at hindi sya nagpapagupit at ang kanyang sutana ay marumi. nung dumating sya sa mission house ang unang nakakita sa kanya ay si bro. Dio.. kunot noo syang tiningnan. noong kuwan lumiwanag ang kanyang mukha at niyakap sya.pinapahinga siya sa mission house at pagkatapos ibinalik siya saamin upang ituloy namin ang pagtuturo ng panitikang ingles at latin. sa unang tatlong linggo ng kanyang kalayaan nagigising siya gabi-gabi at meron siyang naririnig na symphony orchestra na tumutugtog ng classical kay ganda. naririnig niya pati ang pagkakaiba-iba ng mga instrumento nahahalata niya na ito ay isang sicolohikong sakit kayat nilalabanan niya. at sa loob ng ilang linggo tumigil ang sicolohikong halusinasyon, isa pang phenomenon na sikolohiko, ilang linggo hindi niya kayang maintindihan ang mga katha ni chesterton. kahit na sa ordinaryong buhay ay matalik na kaibigan niya si GKC pero bumalik din ang kanyang pang-uunawa. Noong pumunta ko sa kanyang kwarto upang kausapin siya nakita ko na binabasa ni fr.mulry ay "the ressuretcion of rome by:gilbert k. chesterton".

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento