Miyerkules, Mayo 30, 2012

Mga Refugee

Si Teddy Arvisu ay nakadanas sa bataan at sa Death March. Pagkatapos, pumasok siya ulit sa nobisyado noong november 5, 1942. Dumaan ang kanyang unang taon na malusog ang kanyang katawan,pero sa kanyang ikalawang taon, nagkaskit siya ng tatlong buwan. kinailangan nyang magpagaling sa isang hospital, sa tatlong buwan at ang nagalaga sa kanya ay ang kanyang nanay na isang nurse din. Nanatili siyang nobisyo pero ang kanyang nobisyado ay humaba at naging dalawang taon at tatlong buwan. Kaya't sumumpa siya ng panata ng karukhaan, kalinisan, pagtalima sa araw ng february 22, 1945. at habang kanyang binibigkas ang kanyang pang habang buhay na katapatan kay Jesus sa kapisanan ni Jesus ay biglang sumabog ang sunod sunod na kanyonaso ng artilyeriya.naririnig namin ang mga sipol ng mga balang 105 na umaarko sa ibabaw ng Sta. Ana.May mga nagsabi na ito ang huling pagsubok ng giyera na harangin siya sa pagiging heswita. pero sinabi ko na ito ang saludo ng giyera kay Teddy. sinasabi ng mga kanyon: nagtagumpay ang katapatan mo sa iyong bukasyon, at sinasaludo namin ang iyong tagumpay.

Isa sa mga ginawa naming mga Juniors ay pumunta araw-araw sa mga kampamentong kanlungan ng mga nawasak ang tahanan. Isa sa mga lugar na kanlungan ng mga nawalan ng tahanan ay ang Sta. Ana Cabaret.Bago magkageyira,ipinagmamalaki ng cabaret na ito, na nasa kanya ang pinakamalawak na sahig sayawan sa asya. ngayon, mga pangkat - pangkat ng mga dukhang walang tahanan ang nagtitipunan dito.hinahati-hati nila ang sahig sayawan,ginagawa itong isang kampamento ng mga refugee.


ang bawat pamilya ay may isang tahanan na walang ding-ding.araw araw si Fr. Juan Trinidad, isang heswitang nagtuturo ng bibliya sa seminaryo ng San Jose, ay nagmimisa sa gitna ng malawak na sahig sayawan. ang ingay ng mga Refugee ay tumatalab sa katahimikan ng misa.May nagsabi kay Fr. Trinidad na hindi karapat-dapat magalay ng sakripisyo ng misa sa gitna ng nagtatalaban na ingay ng isang kampamento ng mga refugee.Ang tugon ni Fr. Trinidad ay na si Jesus ay palaging nakikihalubilo sa mga maingay at nagsisiksikan na mga tao sa kanyang pagmamalasakit sa mga kawan na walang pastor.at sa misa si kristo ay gusto rin makihalubilo sa mga kawan na walang pastor.

Isang araw nagkatagpo kami ni Teddy Arvisu sa isang pamilya na may isang bata na marahil ay may siyam na taong gulang. itong batang ito ay may malubhang sakit. nagtatae siya at sa gulo ng giyera walang makagamot sa kanya.nakaupo yung bata sa isang lata at nag tatae doon.ang kanyang pamilya ay taimtim na nag darasal at sumama kami sa kanilang panalangin. sinabi ng kanyang ina na ginagawa na nila ang lahat ng kaya nila pero alam nila na mamamatay na ang kanilang anak. nung dinalaw namin sila nung kinabukasan ang bata ay nakaburol.walang kabaong pero nakahiga siya sa isang lumang banig at may damit na sinamay na nakatakip sa kanyang muka upang wag madapuan ng mga langaw. lumuluha ang ina at sinabi niya na kagabi, noong naghihingalo na ang bata , sinabi niya:"anak ko patawarin mo lahat ng aking pagkukulang sayo at pinatatawad ko rin ang iyong pagkukulang sa akin." sa isang sulok ng kampamento may mga doktor na sa wakas ay nagkaorganisa ng isang klinika at ng unang nakarating ako doon may isang bata na ginagamot nila ang kanyang kamay na may tatlong daliring kulang at naka laylay ang balat ginagamot nila ng walang anestisya at umiiyak at sumisigaw ang bata. pinag lalaruan daw ng bata ang isang balang nahulog sa machine gun ng isang eroplano at sumabog yung bala.hindi sila makagamit ng anestisya sa pagkat wala silang anestisya. nung kinabukasan,dinalaw ko yung bata.napansin ko na parang may sugat ang isa sa kanyang mga mata tinanong ko kung  nasugat ang kanyang mata sa pagsabog ng bala.sinabi niya na hindi,pero nung minsan nilatigo siya ng kanyang ama at natamaan siya sa kanyang mata.

Mayroon din kaming nakilalang pamilya na nakatakas sa matinding labanan sa Paco. Pumasok sila sa mga malaking tubo sa ilalim ng lupa sa paco at sa kanilang pagdaan sa sanga sanga ng mga tubo na ito nakarating sila sa santa ana at nakalabas ng ligtas. ang kanilang anak na sanggol ay namatay dahil sa gas sa ilalim ng lupa na hindi kayang langhapin ng bata. pero nagkaroon sila ng isang pakikipagsapalaran sa ilalim ng lupa. hindi nila alam ang tamang daan na dadalhin sila sa kaligtasan. naniniwala sila na may anghel na ginabayan sila. may isang lugar sa pagsasanga sanga ng mga tubo na nagkatagpo sila sa isang sundalong Hapon. natakot sila at akala nila na sasaktan sila nung Hapon ngunit hindi iyon ang nangyari. hindi sila marunong ng hapon at ang Hapon ay hindi marunong mag tagalog. pero nalaman nung hapon na naghahanap sila ng kaligtasan sa linya ng mga Amerikano at itinuro niya ang isang sanga ng tubo at sinabi sa kanila "Amerikano" at sinundan nila iyong tinurong tubo at nakarating sila sa santa ana.

Isang araw may nag sabi sakin na may babaeng matanda sa isang kubo na malapit sa kampamento naghahanap siya ng pari tumuktok ako sa kubo at tumuloy ako,nakita ko ang isang matandang babae na nasa isang papag na may tatlong patong-patong na unan.medyo siya nakaupo at medyo siya nakahiga at nakasandal sa ding-ding nakita niya ang aking satana at sinabi nya;" na tuloy po padre."sinabi ko;"hindi pa po ako pari pero nag aaral po ako mag pari." sinabi nya;"sana maging mabuting pari ka.nung bata ako may paring nag turo sakin magdasal."Pagkatapos,inulit niya sa akin yung dasal na tinuro sa kanya hindi ko na maalala kung anu yung dasal,pero naaalala ko na yung dasal ay latin at inulit niya ang latin na wasto.walang mali sa gramatika.nung kuwan nagdasal kami sa tagalog.at umuwi akong nagtataka kung sino yung paring nakatuturo ng wastong latin at kung anu ang kultura na makamumunga ng isang babae na marunong makiusap sa diyos sa latin hanggang sa kanyang katandaan.

Maraming mga anak ang mga pamilya ng refugee kayat naisipan ni teddy arvisu na gumawa ng mga paaralan.nakahanap siya ng mga lugar na ang may ari ay binigyan kami ng pahintulot na mag tipon ng mga bata.tinuturuan namin sila ng apat na R" relegion, reading, (w)riting,rithmitic." sinimulan namin ang aming karera bilang mga gurong heswita sa pagtuturo na "ginawa ako ng diyos upang makilala ko siya,ibigin siya,paglingkuran siya sa mundong ito upang lumigaya akokasama niya.sa buhay na walang hanggan."pagkatapos, tinuro namin na 1+1=2 at ( in the heart of a seed buried deep so deep a dear little plant lay past asleep) mayrong ding mga madre na nagtulong sa amin. tiniwag ni teddy ang bawat eskwelahan na Mary School at, sa pagkat ang aming eskwelahan ay nasa kalye medellin, tinawag namin na Mary School of Medellin.nagtagal ang mga mary school ng mga dalawang buwan at kalahati madalas may mga pangyayaring hindi inaasahan na nakagambala sa aming pagtuturo.halimbawa,dumating ang mga araw ng paglilibing sa mga patay.pero inaasahan namin na,sa tulong ng aming patuturo,natulungan ang mga batang lumapit sa diyos at mag pakabait sa tao.ang huling araw ng mga mary school ay ang primera communion ng mga bata.ang nag misa ay ang cura parokong fraciskano ng simbahan ng sta ana.ginanap ang misa sa plasa na nasa harapan ng simbahan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento