Biyernes, Mayo 11, 2012

Exaltatio Crucis

Umaga ng september 14, 1944.
fiesta ng Exaltatio Crucis.  Ang padarakila sa krus. maailawalas ang langit tahimik ang maynila. sinabi sa akin ni bro. Path Ceballos "pupunta ako kay Dr. Gonzales, maari bang ikaw ang kasama ko?" sagot ko "syempre.,"

Sumakay kami sa trambiya sa kalye herran.umusad yung trambiya at ngayon ay nasa harapan kami ng city hall, ang pasaherong nasa harapan ko ay biglang tumingala at parang may inuusisa sa langit, pero sinabi sa kanya ng kanya katabi "Nagprapraktis lamang ang mga hapon" umuusad kami sa padre burgos. at ilang mga pasahero, pati kami ni bro. Path ay tumapat sa mga pintuan at handang bumaba pag' nakahinto na ang trambiya sa plaza lawton. huminto na nga ang trambiya bumukas ang mga pintuan at, sabay sa pagdama ko na ang paa ko ay nakayapak sa lupa, narinig kong sabay-sabay  ang "Pung! Pung! Pung! Pung! Pung! Pung! Pung! PUUNG!, tak tak tak tak tak!". Ang pung ay tunog ng mga machine gun na naglalabanan sa kaitasan.At yung PUNG ay ang pagsabog ng bala sa malaking kanyon na anti- air craft na nasa paanan ng santa krus bridge.Makikita mo ang nguso ng kanyon na lumalabas, at kapag nadiskarga na niya ang kanyang bala may recoil ang kanyon. Paulit- ulit labas ng nguso malakas na PUNG! recoil pumuputok tapos umuurong, lumalabas pumuputok tapos umuurong. Ang mga Tak! Tak! Tak! ay kaming mga tao na naghahanap ng pagkakanlungan.Si brother Path ay nakatingalang pinagmamasdan ang mga eroplano at sinabi nia sa akin, "brother parang mga langaw". , diyan nakikita natin na ang tao ay isang dakilang nilalang. Maari na ang buong kapaligiran ay sumasabog sa panganib ng kamatayan at ang buong daigdig ay kaguluhan pero kaya ng tao na mapayapang tingnan ang lahat ng ito at sabihin "bro. parang mga langaw".

Tumakbo kami sa mataas na hagdan ng post office, pagdating namin sa itaas, tinanong ko kay bro. Path, "bro. naka act of contression ka na ba?" sagot niya "hindi pa salamat at pinaalala mo sa akin,pumasok kami sa post office, ang daming mga tao na nakatalungko sa sahig at nakasandal sa mga dingding. Sa labas ang mga eroplanong amerikano ay umiikot at naglalagpak ng bomba, umiikot sila sa ilog Pasig, lawa ng Maynila, mga barko ng mga hapon, tapos, balik sa ibabaw ng Padre Burgos at Sta. Cruz bridge. Tuwing lumilipad sila na malapit sa kanyon ng ati- aircraft, may bagong pagdidiskarga ng mga bala at ang mga bintanang salamin ng post office ay nanginginig, apat na oras kami na naghihintay at umaasa.


Isang tao na nakatalungko sa tabi ko ay minamataan ang aking sutana tinanong nya, " Father saan ang parokya ninyo?" sabi ko, " hindi pa ako pari nag-aaral ako maging paring heswita. ang parokya ko, bago ko pumasok sa seminaryo, ay Espirito Santo na nasa kanto ng Tayuman at Avenida Rizal. Parang lumiwanag ang kanyang muka " aba, yun rin ang parokya ko. pinag-kwentuhan namin ang mga pangyayari sa Espirito Santo habang sa labas naglalabanan ang mga tao sa pinakamabagsik na digmaan na naganap sa ating planeta. Pero meron ding maligayang balita sa parokya ng espirito santo. Nagkaroon sila ng isang masayang pagdiriwang sa Jubilee ni Padre Antonio Albrecht sbd. Noong bata kami nakikipag laro kami ng taguaan sa kanya at nung tumatanda na ako nagsisislbi ako sa kanyang misa.

Ala una na nung naghudyat ng all clear ibig sabihin tapos na ang air raid pero nagsisimula lamang ang hirap.
Walang transportasyon at ang tanging paraan upang makarating sa ano mang lugar ay paglakad. Nakita namin ni Bro. Path na hindi na kami makakapunta kay Dr. Gonsales kailangan naming umuwi sa Sta. Ana hindi kami makakalakad sa Padre Burgos may mga harang dito kailangan naming umikot sa Intramuros nakikita namin mula sa malayo ang tore ng City Hall meron siyang pulang bandila ngayon tanda ng panganib mula sa mga eroplano patuloy ang ikot ng aming paglakad mainit ang araw at nauuhaw kami. Malapit na kami  sa Paco noong meron kaming nakita na pulutong ng mga hapon na nakabihis sa suot ospital at ang hula ko ay natamaan ng bomba ang kanilang ospital. Meron namang isang malaking trak na may kargang anti aircraft na hindi kasing laki ng kanyon na nakita namin kaninang umaga pero malaki na rin tinatawag naming Pom! Pom! ang mga kanyon na ganito. Sapagkat kung may air raid maririrnig mo ang mga kanyon na ganito na sinusubukan patamaan ang mga eroplano ng mga Amerikano at maririnig mo na parang isang background music ang kanilang POM! POM! POM! POM!. Pero ang nakita namin na trak na may dalang Pom! Pom! ngayon ay may isang pasahero isang hapon na inaalagaan ang kanyang Pom! Pom! at ang kanyang muka ay pagod na pagod na pagod.

Sa wakas nakarating kami ni Bro. Path sa Sta. Ana sinalubong kami ni Bro. Gorospe "akala namin patay na kayo." at ang kanyang ngiti ay kasing liwanag ng araw na maaliwalas.

Nung gabing yun nanginig ang buong siyudad dahil sa isang napakalakas na parang kidlat at kulog. Pero natuklasan namin na sumabog ang isang barkong mandirigma ng Hapon na nasa lawa ng Maynila. Nagsimula na ang labanan sa Maynila.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento