Sabado, Mayo 19, 2012

Pagwasak at Pagbuo

Habang ang mga eroplano ng mga amerikano at hapon ay nagtatagisan sa mga ulap ng langit at nagtataglay ng pagkawasak, kaming mga mapagkumbabang uod ay gumagapang sa lupa. Habang pinagsisikapan naming magbuo ng isang makatao at hari nawa'y makadiyos na sibilisayon. Kaya sinusubukan namin matutuhan ang ilan sa mga mapaglikhang pakikipagsapalaran sa larangan ng diwa na ginanap ng mga griyego at mga romano. Sapagkat masasabi namin na ang aming karanasan sa mga katha ng Atenas at Roma ay tinuro sa amin na maraming aspeto ng ating sibilisasyon ngayon ay hindi sana nabuo kung hindi bilang mga "survivors" ng mga klasikong sibilisasyon. 

Si Horacio Dela Costa ay kilala na namin sapagkat siya ang lumikha ng maraming radio play ng catholic hour bago magkagiyera.

Ngayon, tinuturuan niya kaming basahin ang AENEIDE ni Virgilio. 

Halimbawa, maari niyang kunin ang isang bahagi ng katha ni virgilio at sabihin sa iyo na isalin mo sa ingles. Pagkatapos maari niyang  kunin ang mismong bahaging iyon at sabihin sa iyo na gumawa ka ng movie scenario ng mga pangyayari sa  bahaging ito. Sa madaling sabi, marami siyang paraan upang pilitin kaming pumasok sa mga katha ng klasikong panitikan at itinuturo sa amin na ang magalang na pagpasok sa mga katha ng mga sinaunang tao ay isang paraan na binubuhay ang ating pakikiisa sa ating mga kasalukuyang kapwa tao. 

Meron din siyang mga paraan na dinidilat ang aming mga mata sa kayamanan ng kasalukuyang buhay Pilipino. Halimbawa sasabihin niya na ang lolo at lola, panganay ng pamilya, ang ama, ang ina, ang bunso, at iba pa sa isang pamilya ay mga maaring maging mayaman na sanhi ng mga sari saring kwento ukol sa isang pamilya. At kapag narinig mong sinabi niya ito, nabubuhay ka sa kayamanan ng iyong sariling karanasan sa iyong sariling pamilya. 

May isang uri ng sulatin na tinatawag na local color. Ang bawat lugar ay parang may sariling kulay. Kung ang manunulat ay marunong tumahimik, parang naririnig niya ang kulay na ito. At kung siya ay Pilipino sa Pilipinas, makikita niya na ang kagandahan ng kanyang bayan ay tumatalab sa kanya sa mga sandali na siya ay tahimik. Tinuruan kami ni Horacio na tumahimik.

Ayon sa estilo ng lumang hunyurado, ito ang taon ng "Poietike" sa Griyego, Latin at Ingles. Latin at ingles ang hawak ni Horacio. Pero pinamulat niya sa amin na ang daigdig ng mga makata ay lahat ng wika. Na ang tula ay bunga ng malalim napagpasok, pagtanggap, at ligaya sa talagang totoo. Kailnagn lamang ang matinding pagkagising. Dahil sa kanya, napansin namin na ang bawat salita ay may taglay na isip at damdamin. Na ang salitang "sa bahay", halimbawa at ang salitang "sa amin", ay halos parehong isip ang taglay, pero kay init ng damdamin ng salitang "sa amin".

Latin man o ingles  ang binabasa, hindi kami nakukulong sa mga letra ng libro. Nabubuhay ang mga letra at mga kataga at mga verso sa galing ng pagpapamulat ni Horacio. Dahil sa kanya ang pumapaligid sa amin na katotohanan ay aming mas matinding nagigisnan. 

Kung nagsusulat kayo, aniya, tingnan ninyo ang mga taong nakakasalumuha ninyo. Marami ang mga tao na dapat ilarawan sa ulat upang huwag silang makalimutan. Halimbawa, ika niya, meron siyang nakatagpo sa Fort Santiago na isang bata, isang magbabagong- tao pa lamang, na mensahero ng mga gerilya. Matulin siyang tumakbo kaya' natatakasan niya palagi ang mga hapon. Hanggang dumating ang  oras na pati siya ay nahuli. Hindi siya umimik. Pinahirapan siya. Kaya't napila'y siya. Hindi na siya makalakad ng tuwid, ngunit nakakalakad pa rin. Isa lamang ang kanyang iniisip: bumalik sa mga gerilya. Aniya kay Horacio : "Nang huwag nilang isipin na natalo nla tayo." Ang alam lamang ni Horacio na pangalan ng bata ay ang katagang Ingles na "lamp", na masasabi nating "tanglaw". Iyan ang tawag sa kanya ng mga gerilya. Marahil sapagkat may kakaibang liwanag ang kanyang mata. Ito ang kaisa- isang pagkakataon na may ikinuwento si Horacio ukol sa mga nangyari noong siya'y nasa Fort Santiago.

Lumalapit na ang Pasko ng 1944. Ito ang huling pasko na mararanasan namin sa panahon ng digmaan. May dalawang beses na nagpalabas kami ng drama sa amin amin lamang. Iyong isa ay isang dramang latin na sinulat ng buong klase. Ang drama ay nakasulat sa hexametrong  Dactyliko, isang komikong seryoso ng mga  sinaunang romano na nasa pampang ng ilog Styx at kung papaanong napatapon sila sa modernong New york, kung saan ang unang tauhan na makikita mo ay isang brother na kumakanta ng "White Christmas." Papaanong nalaman naming yang kantang yan? Natutunan ng mga girelyero mula sa mga submarino na tinutustusan sila ng mga armas, instant coffee, chocolate candy, at mga kanta. 

Ibang drama naman: "Silent night, lonely night". ay sinulat ni brother Arevalo. Isang batang kalye ( si Pat Ceballos) ay nalulungkot sapagkat pasko na at wala siyang kasama. Nahanapan siya ng isang reporter (si Waldo Perfecto). Iyong reporter ay isang taong may mabuting kalooban. Kumatok siya sa pinto ng restaurant ni Lim Chun (ako un). Nakita ni Lim ang dalawang tao walang pamasko, tinawag niya ang kanyang anak (Tony Bautista) at naghanda sila ng noche buena. Nagkaroon ng maraming kantahan lalo na ang isang Villan Cico na nagsisimula Suenan Las Panderetas, Ruido Mas Ruido! 

Noong pasko ng 1944 nagkaroon kami ng noche buena ng suman, pulot at saging- mga pambihirang pagkain noong panahong iyon.

Noong matapos na ang giyera, nagaapostolado ang mga iskolastik sa Tala Leprosarium. Nandodoon pa noon si Joey Guerrero, isang babaeng ketongin na mensahero ng mga gerilya noong nakaraang labanan. Nakalulusot siya sa mga linya ng Hapon sapagkat natatakot sila sa kanyang sakit. Tinanong niya sa akin kung naaalala ko pa ang noche buena ng pasko ng 1944. "oo, " wika ko: "hindi namin malilimutan." Ayon kay joey, sila raw ni Horacio ang nagplano, nagipon, naghanap, naghirap upang magkaroon ng munting kasiyahan ang mga nobisyo at junior noong Paskong iyon.

Merong isang tradisyon ang mga Juniors na magkaroon ng contest sa mga tulang pamasko. Ang bawat isang gustong sumali sa contest ay inilalagay ang kanyang tula sa Bulletin board. Ang mga inampalan ay lahat ng mga juniors na nagboboto. Ang makatanggap ng pinakamaraming boto ay siyang numero uno. At batay sa mga botong natanggap, magkakaroon ng numero dos, tres at iba pa. Sapagkat palagi akong nakikilahok kahit hindi ako nanalo kailanman, naisipan kong ibahagi ang dalawa sa mga isinulat ko. 

Ang pangalan ng unang tula 

                       SKIES 

                    The Feast of the babe is nearing 
                    now days of waiting are few; 
                    The hue of the sky is growing
                    A deeper and deeper blue. 

                    For the sky stoops lower and lower 
                    then, on the night of God,
                    the star-fringed blue of the heavens
                    will touch the brown of the sod. 
                  
                   neath the blueveil of the virgin
                   a little baby will cry; 
                   the earth will see its creator born
                   that he may die. 
                
                   O a blue sky yearns over bethlehem 
                   to touch a caverned hill;
                   but over a mound in jerusalem
                   the sky is gray and still. 

DREAMS IN BETHLEHEM

                   What are your dreams, my little king
                   Asleep on the mainger straw?
                   Are you dreaming of play mid the stars in a swing
                   that cherubs rock to and fro?
                   But down his cheek rolls a little tear
                   and angels whisper in my ear,
                   "he is dreaming of saving you". 









Walang komento:

Mag-post ng isang Komento