Sabado, Mayo 26, 2012

May mga dumating

    Noong nagsimula nang dumami ang mga amerikanong eroplanong bumobomba sa maynila, Si Msgr. Piani, ang delegado apostoliko ng papa, ay hiniling sa mga heswita kung maaari siyang manirahan kasama namin sa La Ignaciana. Kasama niya ang isang matandang obispo na retirado, si Msgr. McClosky. Ang mga heswita ay masayang tinanggap sila. Tuwing nakikita ko Msgr. Piani sa mga oras na may air raid hinahangaan ko ang kanyang pagiging kalmado.

   February 3, 1945. habang nasa oras kami ng pagaaral ng latin bigla naming narinig ang ingay ng mga iba't ibang klase ng armas na naglalabanan sa hilaga ng ilog pasig. Paminsan minsan may mga eroplano na naghuhulog ng flare na nililiwanagan ang malaking area ng norte ng ilog pasig. Hindi namin alam kung ano ang nangyayari pero tiyak kami na ang mga amerikano ay nakarating na sa hilaga ng ilog pasig.

   May isang Diakonong Diosesano na inordena ni Msgr. Piani sa aming kapilya, at pagkatapos ng celebrasyon, sinubukan ng bagong pari at ng kanyang mga kasama na umuwi sa seminaryo ng UST, pero bumalik sila sa La Ignaciana. Dahil sinabi nila na nang sinubukan nilang tumawid sa Quezon bridge may mga hapon na hinaharang sila. Dumaan ang mga araw, February 4,5,6... wala kaming mahagilap na balitang mapagkakatiwalaan. Ang aming nalalaman laman ay ang maliit na kapit bahayan ng Santa Ana na aming kinaroroonan. Dito, sa mga araw na ito, wala kaming nakikitang ni amerikano ni hapon.

   Pero noong February 10, nagkaroon ng bulung bulungan sa kapit bahayan na may mga sundalong nakauniporme ng kulay olive drab sa kalye teheron. Ngayon, ang huling mga sundalong amerikano na nakita namin noong 1942 ay naka unipormeng khaki. Kaya sino itong mga sundalong naka olive drab?

   Si Horacio dela Costa kasama ng isang kapwa iskolastik ay nagtungo sa kalye teheron. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumitaw sila sa gate ng La Ignaciana. Wala silang sinabi pero itinaas ni Horacio ang kanyang kanang kamay na naka letrang "V" for victory. Yung mga sundalong naka olive drab ay sundalong amerikano pala.

   Nakatulog ako sa unang palapag ng La Ignaciana. Biglang nagising ako sa tunog ng mga sapatos ng sundalo. Nakita ko ang isang matangkad na amerikano na sinasabi na taga Boston siya. Maraming mga Pilipino sa kapit bahayan na binabahagi ang kanilang inipon na pagkain para sa pagdiriwang sa pagbalik ng mga amerikano. At ang mga sundalong amerikano naman ay binabahagi ang kanilang mga rasyon sa mga pilipino. At kung may babaeng may sanggol, agad na binibigay ng mga amerikano ang kanilang milk rations.

   Dumadami ang mga sundalong amerikano at unti unting natauhan kami ukol sa nangyayari. Noong Ferbruary 3 nakalusot ang mga amerikano sa linya ng mga hapon. Nakuha ng american 1st cavalry ang UST. Ang UST ay matagal na ginagamit ng mga hapon bilang concentration camp para sa mga amerikanong nadakip nila. Pero may mga bahagi ng mga gusali ang UST na ginagamit pa bilang seminaryong pontifikal. Ngayon upang makarating sa aming maliit na sulok ng Santa Ana, kinailangan ng mga amerikano na lumaban sa isang mabagsik na labanan sa loob ng anim na araw. At hinaharap pa nila ang mabagsik na labanan upang masakop ang hilaga at timog ng Pasig.

   At kaming mga maligayang nagdiriwang sa dapit hapon ng February 10 ay nanganganib pa para sa aming buhay. Pero mayroon kaming dahilan na lumigaya at magdiwang.

   May dalawang taga Texas: si Roberto Planta at Lucio B. Perez, sila ay labimpitong taong gulang pa lamang. Pero sinabi nila sa army na sila ay 21, at tinanggap sila. Sinasabi nila, "kahapon may labanan sa San Juan at kumakapit kami sa lupa sapagkat ang mga bala ay lumilipad." at patuloy ni Lucio "sinasabi sa akin ni Roberto hawak sa lupa! hawak sa lupa!" at sinabi naman ni Roberto "naalala ko ang aking tatay, ang aking nanay, ang aking lolo at lola" tapos nakita ko ang isang polakong amerikano na mukhang malungkot at sinabi niya sa amin na "kahapon ang lungkot lungkot ko dahil nung nagpaparada kami sa mandaluyong, may isang sniper na bumaril sa aking best friend. Tinamaan siya ng bala sa likod na tumagos sa kanyang puso hanggang sa kanyang dibdib."

   Nung gabing iyon ang mga amerikano ay walang hintong nagpapaputok ng trench mortars sa linya ng mga hapon. Ang linya ng mga hapon ay nasa pagitan ng Santa Ana at Paco. Marami sa mga taga paco ay tumatakbo tungo sa linya ng mga amerikano na nasa santa ana. Mayroong mga Pilipinong taga paco na nagtago sa La Concordia College, iyon ay bahay ng mga madre at akala nila na magiging ligtas sila doon pero pinaligiran ng mga hapon ang bahay ng mga madre at hinagisan ng mga granada. Maraming taga Paco ay nakatakas padin at pumaroon sa La Ignaciana upang sabihin sa amin kung anong nangyayari sa paco. Nung narinig ni Msgr. Piani ang mga nangyayari na pinaligiran ang bahay ng mga madre at tinapunan ng mga granada, sinabi niya "ito ay barbarismo! barbarismo!" at namutla siya sa galit.

   Habang nagsasalita sila, narinig namin ang batingaw ng simbahan. Ang pagbabatingaw ay tatlong taon nang ipinagbabawal ng mga hapon, pero ngayon nagdiriwang kami at patuloy ang batingaw. At naalala namin na bukas ay February 11: Ang araw na nagpakita ang Mahal na Birhen sa Lourdes. Napansin ko na maraming mga sundalo na may rosaryong nakakwintas sa kanilang leeg. At tinanong ko sa kanila "mga Katoliko ba kayo?" May maraming sumagot na "Opo" pero marami din na sumagot na "hindi po,pero nagdarasal din kami sa Mahal na Birhen."

   Noong umaga ng kinabukasan, ang unang nakita ko noong nagpasiyal ako sa bakuran ng La Ignaciana ay ang bangkay ng isang sundalong amerikano na nakaratay sa truck. Lumabas daw siya kagabi sa gate ng La Ignaciana pero may naghihintay sa kanyang isang hapon na binanatan siya agad ng isang granada at namatay silang dalawa. Ngayong umaga naman ang sumalubong sa akin ay isang pushcart. May katawan ng taong nakaratay sa pushcart na ito pero ang lumilitaw sa damit na nakatakip sa kanya ay ang kanyang dalawang paa at hita lamang at may dugong umaagos sa kanyang hita. May isang lalaki na patakbong tinutulak ang pushcart at isang batang maliit na hinahabol ang pushcart at umiiyak.

   Noong kuwan, may mga sundalo na patungo sa labanan sa Paco. Mayroon silang armas na ngayon ko lang nakita, ang tawag nila dito ay Bazooka. Ito ay parang isang maliit na kanyon na pinapaputok mula sa balikat. Ngumiti sila sa akin pero alam kong itinataya nila ang kanilang buhay sa isang malupit na labanan. Noong kuwan, may dumaan na isang truck at may isang batang sundalong amerikano na nakaupo sa tabi ng drayber, batang bata sya, at tinanong ko sa kanya, "maiinit ba ang labanan?" ang sabi niya "kahapon, doon sa tulay na patungo sa simbahan, napakainit ng labanan. Sabi ko sayo siksikan ang mga machine guns ng mga hapon pero pinasabog namin ang tulay, at nakalusot kami" tinapik nya ako sa balikat at tumuloy ang truck sa labanan.

    May mga sundalong nurse at doctor"ang mga medic.ang kanilang trabaho ay gamutin ang mga sundalong sugatan. Pero ang daming mga sibilyan na nag papagamot din sa kanila. at ubod ng pasensya silang gumagamot pati sa mga sibilyan kahit na nagkukulang sila ng gamot. napansin ko ang isang medic na habang ginagamot niya ang kanyang mga pasyente ay patingin-tingin sa kalsada na nang gagaling sa paco. nakita niya na nagtataka ako kung anu ang kanyang tinitignan. kayat sinabi nya :"karirinig ko lamang na ang doktor na matalik kong kaibigan ay namatay sa labanan. maraming taon na, na nagtratrabaho kami sa army. ngayon umaasa ako laban sa pag-asa na baka di pa siya namatay. sana makita ko siyang bumabalik mula sa labanan."

   Malupit ang labanan sa Paco. Kung ilang oras na hindi makalusot ang mga amerikano. Mayroon silang maliliit na eroplano na nagbibigay ng direksyon sa kanilang mga kanyon. Ang mga kanyon ay may mga balang 105, maririnig mo ang isang putok, isang mahabang sipol, lumilipad ang balang galing sa kanyon patungo sa kanyang destinasyon, at isang huling putok pag nakarating na sa kanyang pinaroroonan. Tumitingala kami at nasusundan ng aming mga mata ang huni ng sipol ng balang 105 pero di namin kayang makita ang bala. Kaya ang mga amerikano ay nag utos ng isang air raid at sa wakas nasakop nila ang Paco. Ngayon ay susunod  na pagsisikapan nilang sakupin ang ermita at malate at pasay at paranaque ...

   Sa Santa Ana naman, maraming mga taong sugatan na pumupunta  sa La Ignaciana, sinabi sa amin ng aming superior kung may mga damit kaming di namin ginagamit ay ibigay namin sa mga nangangailangan. Humanga ako nang nakita ko na kay bait ng mga taong sugatan na marumi ang mga damit at walang makain, kay bait nila sa isa't isa, nagtutulungan sila at ginawa namin ang kaya naming gawin upang matulungan sila. Hindi kasing lupit ang tiniis namin sa lupit na tiniis nila dahil sa giyera at nadama naming ang isang tawag na magkawang gawa.  



















*4Y0

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento